ID:256
Recipe Name:GISADONG MAKARONI (may keso at inihurno Name: Jenny Email: FDROSARIO@SEC.COM.SA Date: December 4, 2004 Category: Pasta Category: Other Recipes Nationality: Filipino
Number of servings: None Calories Per Serving: None Preparation Time: None Difficulty: Easy
Ingredients:
Left Ingredients:
1 kahong makaroni (Elbow) 1/4 kilong giniling na baboy 1 latang Vienna sausage 1 latang tomato sauce 1 puswelong ginadgad na keso (de bola o salata ) 1 sibuyas 2 kamatis 2 butil na bawang,toyo
Right Ingredients:
None
Cooking
Instructions:
Instructions: Lutuin sa tubig na may kaunting asin ang makaroni. Pagkaluto'y hugasan at patuluin. Igisa ang bawang,sibuyas, kamatis (pino ang hiwa) at giniling na baboy. Timplahan ng toyo.Makaraan ang ilang sandali'y ibuhos ang sabaw ng Vienna sausage. Takpan at pakuluin nang 15 minuto. Hahalu-haluin . Ihalo ang sausage (maliliit ang hiwa) at tomato sauce. Pakuluin nang ilang sandali bago ibuhos ang lutong makaroni. Lutuin nang limang minuto pa habang hinahalo limang minuto pa habang hinahalo ast saka hanguin. Ilagay sa isang badeha na maaaring isalang sa pugon (pyrex), ibudbod sa ibabaw ang ginadgad na keso at ipasok sa pugong mainit. Kapag tunaw at namumula na ang keso sa ibabaw ng makaroni ay hanguin na
FindPinoy.com has listings for Filipino, U.S., and international audiences. We've concentrated on finding the best Filipino websites and resources, to combine with our already large listing of websites.