ID:245
Recipe Name:ALMONDIGAS Name: Jenny Email: bethposorio@yahoo.com Date: November 30, 2004 Category: Pork Category: Other Recipes Nationality: Filipino
|
Number of servings: None Calories Per Serving: None Preparation Time: None Difficulty: Easy
|
|
| Ingredients: |
Left Ingredients:
1/2 kilong giniling na baboy 3 punong sibuyas na mura 1 itlog ng pato 3 kutsarang arina 3 maninipis na bilot na miswa 1 sibuyas 2 butil na bawang 3 puswelong sabaw-sinaing patis, asin, pamintang durog
|
Right Ingredients:
None
|
| Cooking
Instructions: |
Instructions: Hiwaing maliliit ang sibuyas na mura, at ihalo sa giniling na baboy. Timplahan ng asin at pamintang durog.Ihalo ang binating itlog at arina. Bilug- bilugin, pagulungin ang bawa't isa sa arina bago ihulog sa kumukulong mantika. Papulahin nang bahagya. Itabi.
Igisa sa kaunting mantika ang pinitpit na bawang at sibuyas (hiwang panggisa). Timplahan ng kaunting patis, pakuluin nang ilang sandali bago ibuhos ang sabaw-sinaing. Kapag kumukulo na ang sabaw,ihulog dito ang piniritong bola-bola. Paghiwa-hiwalayin at putulin ang miswa bago ihulog din sa kumukulong sabaw. Matapos kumulo at tikman. Kung di pa naayon sa panlasa ang alat ay timplahan ng kaunting asin. Huwag nang patatagalin sa apoy pagka't malulusaw ang miswa at masyadong lalapot ang sabaw. |
|
| Serving Suggestion: |
None
|
| Additional Comments: |
None
|
| Preparation Time: |
None
|
| Number of servings: |
None
|
| Calories Per Serving: |
None
|
| Degree of Difficulty: |
Easy
|
| Pictures: |
None
|
|
|
|
|
|