ID:221
Recipe Name:PANSIT MOLO Name: Jenny Email: bulacan_grp@yahoo.com Date: November 29, 2004 Category: Pasta Category: Other Recipes Nationality: Filipino
|
Number of servings: None Calories Per Serving: None Preparation Time: None Difficulty: Easy
|
|
| Ingredients: |
Left Ingredients:
1/2 puswelong giniling na baboy 1 puswelong manok (luto at hiniwang maliliit) 1/2 puswelong hipon (hiniwang maliiit) 1/2puswelong apulid o singkasmas (hiniwang maliliit 1 sibuyas (hiniwang pino) 1 kutsang sibiyas na mura (hiniwang pino) 1 itlog,patis,pamintang durog
|
Right Ingredients:
2 puswelong arina 3 itlog ng manok (pula lamang) 1/4 kutsaritang pinong asin 1/2 puswelong tubig
|
| Cooking
Instructions: |
Instructions: paghaluin ang lahat ng sangkap at timplahanng patis at paminta. Ang kalahati'y ibalot sa mga pambalot ng PANSIT MOLO at ang iiba'y igisa (unahin ang bawang, sibuyas, at isunodang pinaghalong sangkap), at sabawan ng pinaglagaan ng manok (2 puswelo). Kapag kumulo na'y isa-isang ihulog ang PANAIT MOLO.o hanggang maluto sa loob ng 15 sandali o hanggang maluto ang PANSIT MOLO.
Salain ang pinaghalong arina at asin. Batiin ang itlog, unti-unting isama ang tubig habang patuloy na binabati. unti-unti ring isama habang hinahalo (hindi pabati) ang arina hanggang sa magpantay ang lapot.Ilatag sa malapad na sakalang nilagyan ng arina at pagulungan ng rolling pin (kung wala nito ay maaring na ring gamitin ang isang boteng makapal at bilog ang pinakakatawan) hanggang sa numipis na tila papel.Hiwa-Hiwain nang pakuwadrado nang ang sukat ay 3"x3'.Sa gitna ng bawa't isa ay lagyan ng sangkap (hindi iginigisa)bago ilupi at tipiin ang mga gilid upang hindi sumabog ang palaman. Patranggulo ang ayos nito at animo maliliit na empanada kapag naitupi na. |
|
| Serving Suggestion: |
None
|
| Additional Comments: |
None
|
| Preparation Time: |
None
|
| Number of servings: |
None
|
| Calories Per Serving: |
None
|
| Degree of Difficulty: |
Easy
|
| Pictures: |
None
|
|
|
|
|