Instructions: Painitin ang oven sa 375 F. Ihanda ang 8 inch pie plate.
Ihanda ang palaman: Sa kasserola, paghaluin ang asukal at cornstarch.
Ibuhos ang sabaw ng buko at gatas.
Lutuin hanggang lumapot. idagdag ang vanilla at buko. Palamigin.
Sa isang mangkok, paghaluin harina ,asin at asukal.idagdag ang mantikilya at shortening.Haluing maigi. Magdagdag ng sapat na tubig para makabuo ng masa. Hatiin ang masa sa dalawa na mas malaki ang isang bahagi. Kunin ang mas malaking bahagi at padaanan ng rolling pinhanggang maging manipis at maging kasinglaki ng pie plate.Ilipat sa pie plate para matakpan ang ilalim at mga gilid nito. Ibuhos ang palaman . Panipisin ang natirang masa at takpan ang palaman. Pisilin ang mga gilid para magdikit ang dalawang crust. Maglagay ng singawan sa pamamagitan ng pagtusok ng tinidor sa ibabaw ng crust pahiran ng eggwash.Hurnuhin ng 25-30 minuto o hanggang pumula ang crust. Palamigin bago hiwain.
FindPinoy.com has listings for Filipino, U.S., and international audiences. We've concentrated on finding the best Filipino websites and resources, to combine with our already large listing of websites.